Artwork by Maxine Sarah
Advertisements

Remember this

“Ang taba mo”

“Akala mo ba maganda ang maging mataba?”

“Taba

These words will served as my motivation. I will not let anyone body-shamed me, again.

I will remember every words you’ve said. And I will prove you wrong.

I love my body the way it is today, but enough is enough. I’m so done with people saying that I’m fat and my body looks like I have 5 kids. I’m so done.

So done.

Mahirap maging mataba. Akala niyo lang hindi.

I, myself, was discriminated of being a fat one. Ito ‘yung mga panahon na nagsisimula pa lang ako maging teenager. Masakit, siyempre, kasi wala pa naman akong muwang sa pagpapaganda noon. Malay ko ba na kailangan maganda ako para lang magkaroon ng friends. I even got to the point that I hate myself and want to die. Halos rejection na kasi nararamdaman ko. ‘Yung iba, ang daming friends kasi maganda sila. When I was in grade school nagka-putok pa ako. Nakakahiya man sabihin pero totoo. Ano bang alam ko nung bata pa ako? Hindi rin naman ako guided ng mga magulang ko dati kasi super busy sa work si mama nung mga time na yun. And me, was left in my grandparents.

Kahit may nakakausap ako dati, hindi ko alam kung sino ang tunay na kaibigan dun. Siguro may kaibigan pero may nasasabi parin sila sayo kahit nakatalikod ka. All I can do was to live my life. Haha. Palipat-lipat ako ng school. Sa paglipat ko ng school, hindi na nila ako diniscriminate. Imagine. Ibig sabihin, siguro may problema talaga sakin ‘yung mga former classmates ko. Pinilit ko pa rin magbago.

Lately lang talaga ako nagbloom. Haha. Nawala na rin ‘yung putok ko. Haha. Ang dami kong ginawa sa sarili ko para lang maging presentable akong tao. Thank you na rin sa mga nagdiscriminate sakin kasi lalo akong gumanda. Chos. Well, mataba pa rin ako and I’m working with it na naman. Goal ko talaga sa college na sexy na ako. Hahaha.

‘Yung mga dati kong classmates, ewan ko kung may grudge pa rin sila sakin. Pero, gusto ko makipag-ayos na sa kanila. Actually, may kasalanan rin naman ako. Mayabang-yabang rin naman ako dati. Pero, I admit, nabago ko na yun. Tanggap ko ang mali ko.

Let this be an inspiration to anyone. Although, magulo, long story kasi. Summary ‘to. Hehe. Basta, masasabi ko lang, hindi lang sila ang tao sa mundo. May mga taong tatanggap pa rin sa’yo kahit anong mangyari.

Nasaan na ang mga lalakeng marunong mag-appreciate sa mga babaeng katulad ko?

Overweight ako. Yeah, I know. Hindi na kailangan pang ipamukha sakin ‘yun. Oo na, mataba na ako.

Nakakalungkot lang isipin na, parang kakaunti na lang yung mga lalakeng nagagandahan/nagkakaroon ng interes sa amin. Lagi kong naiisip na body size na ba ngayon ang basehan para magustuhan o mahalin ka?

Hindi ko magets. Kung sadyang ganun lang talaga o stereotype na para sa akin ang mga lalake. Siguro dahil na rin sa mga experiences ko. Sa mga rejections na naranasan ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga yon.

Yung mga araw na lagi kong tinatanong kung ano bang kulang. Kung ano bang pangit. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Lahat yon nag-iwan ng marka sa puso at isip ko.

Hindi naman mag-aassume ang tao kung hindi siya pinapakitaan ng mga motibo. Kaya hindi mo ko masisisi kung bakit madali akong mahulog sa isang tao. Pero sa bandang huli paglalaruan ka lang at iiwan ka.

Rejections. Mga lintik na rejections ‘yan. Dahil lang sa mataba ako. Iniisip kong unfair sila.

Hindi ko alam kung meron pang mga lalaking marunong mag-appreciate ng true beauty, pero sana meron pa. Hindi ko man siya makilala ngayon, balang araw alam kong magkikita din kami.

Sa tamang lugar, sa tamang oras, at sa tamang dahilan.

Mataba ako

Naiinis talaga ako sa mga taong kinokumpara ako sa mapapayat. Lalo na sa magulang ko, friends ko and yung ibang relatives ko. Yung para bang linalait din nila ako. Bakit daw ang taba ko. Bakit daw mukha na akong nanay. Hindi ko daw ba naisip magpapayat? Hindi ko rin naman ginustong tumaba ako eh. Masarap lang magluto si mama, yun lang yun! Inaappreciate ko lang! Tapos sila pa yung ganyan. De joke. Nagpapapayat naman ako eh. Iwas kain kain. Trying to lessen my rice. Sit ups, sit ups, ganun. Charot. So please. HUWAG KAYONG ATAT. Papayat din ako, tiwala lang. Imbes na ginaganyan ganyan niyo ako, sana naman sinusupport niyo ako.